Pakiusap sa lahat ng mga panauhin:

Nakikiusap ang may akda sa lahat ng kanyang mga mambabasa na i post ang kanilang mga opinyon, reaksiyon, o mga komento, sa bandang ibaba ng kuwento. Upang maging batayan ng may akda sa kanyang mga susunod na pagtatangka. Kung gusto naman po ninyong maging kaibigan ng may akda, wala kayong ibang dapat gawin kundi i click ang join this site, at maging miyembro ng blogsite na ito. Marami pong salamat, at maligayang pagsakay sa Bus, naway maging maligaya ang ating paglalakbay.

Mark

Friday, September 02, 2011

Pangalawang Buhay



Sa bandang dulo me upuan pa!!!   sigaw ng kondoktor sa kasasakay lang na matanda, hawak lang ho nay!!!dagdag pa nito. Siguro mga alas nuwebe nasa Surigao na ako nito, sabay tingin ko sa labas ng bus na lalong bumibilis ang takbo, dumidilim na ang paligid, mangilan ngilan ang mga nakakasalubong namin na sasakyan na siyang nagbibigay ilaw sa madilim na daan, Ang malawak na kakahuyang iyon sa magkabilang panig ng malawak na daan ang wariy siyang dagdaragdag sa kadiliman ng lugar. Sino nga ba ang mag-aakalang  makakarating ako sa bahaging ito ng Mindanao, na siyang itinuturing na pinaka kritikal na lugar ng mga taga Luzon.
Haaayy Mindanao!! Halos nasilayan ko na ang iyong itinatagong kagandahan, sabay hinga ng malalim, ang kadilimang iyon sa aking kapaligiran ay nag aanyaya ng antok..siguro sa labis na pagod sa maghapong biyahe….Dito! dito! Meron pa! sabay turo ng kondoktor sa aking kinauupuan, Isang ale na sa tingin ko ay mga nasa limanpu hanggang limamput lima ang edad, at isang binatilyo na nasa dalwamput isa o mababa pa.. na ang aking pakiwari ay anak ng ale. Sa aking labis na pagtataka doon silang dalawa naupo sa aking tabi, ang aking kinauupuan ay para lamang sa dalawang tao, siguro hindi nila maiwan ang isat isa..pero kung pagmamasdan marami pa namang bakante sa loob ng bus bukod sa aking kinauupuan, hindi ko na matagalan ang sobrang sikip, Nay may bakante pa ho sa kabila, pang dalawahan lang po tong upuan…ni hindi man lang tumingin sa akin ang ale, pakiwari koy may mabigat na problema ang aleng ito na iniisip, Agad kong kinuha ang atensyon ng kanyang anak, sabay turo ng bakanteng upuan sa kabilang bahagi ng bus, me bakante pa doon oh, nabigo ako sa aking 2 beses na pagtatangka na makuha ang atensiyon ng mag inang iyon. Kaya ako na mismo ang nagpasyang lumipat, doon ako naupo sa kabilang bahagi , hanggang sa huminto ang bus upang kumain ng gabihan, bumaba ako at pumila habang kinukuha ng mama ang bawat order na pagkain ng mga nasa pila, ngunit mas inuuna pa ng mama ng kunin ang order ng mga pasahero na nasa likuran ko, bago yong order ko na nasa unahan nila.
Agad kong pinagmasdan ang ibang mga pasahero halos lahat sila ay nakaupo na at kumakain, labinlimang minuto lamang ang itinatagal ng paghintong iyon ng bus, naisip ko na kung mag oorder pa ako, kukulangin na ako sa oras upang makakain, Naisip ko na bibili na lamang ako ng siopao at mineral doon ko nalang kakainin sa loob ng bus, Tay naiihi na ako, ngayon na!! sigaw ng bata sa kanyang ama na nakatayo sa aking tabi, agad akong sumunod sa mag ama upang umihi na rin, wala sa loob ko na mapatingin sa salaming nakasabit sa loob ng palikurang iyon, sa labis kong pagkagulat, wala akong repleksiyon sa salamin, ang pader lamang na kulay puti na nasa aking likuran ang nakikita ko, isang malamig na pakiramdam ang nanunuot sa aking buong katawan ng mga oras na iyon, dumaan ang mag ama sa tapat ng salamin pero may repleksyon akong nakita sa kanila, dali dali akong tumakbo pabalik ng bus, at tumingin sa salamin na nasa bandang itaas ng upuan ng driver, mga pasahero na nagsisipagbalikan sa kani kanilang upuan ang nakikita ko, wala ako sa salamin, dinaanan ako ng driver at naupo sa kanyang upuan, kung alam ng driver na ito, na andon ako nakatayo at nakatingin sa salamin,hindi niya gagawin iyon kasi alam niya na masasagi ako…unti unting umaatras na ang bus,, hudyat na ng pag alis nito…andon pa rin ako nakatayo sa unahang bahagi malapit sa may salamin, naalala ko ang mag ina kanina na sumakay, kaya sila naupong dalwa sa kinauupuan ko kasi walang nakaupo doon, kaya hindi ako pinapansin ng mama  habang omoorder ako ng pagkain, kasi wala naman talagang omoorder! WALA AKO SA BUS NA ITO!!! HINDI AKO ISA SA MGA PASAHERO NITO! Muli naramdaman ko ang malamig na pakiramdam na bumalot sa aking buoong katawan, patay naba ako??? Naaksidente ba ang bus ng hindi ko namalayan? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? pinagpapawisan ako ng malamig, labis na takot ang aking nararamdaman, ang malamig na nraramdaman ko ay nanunuot na sa aking kalamnan….Hindi ko maigalaw ang aking mga paa, muli kong sinulyapan ang driver na abala sa kanyang pagmamaneho, ang mga pasahero na ang iba ay natutulog na, ang iba naman ay wariy nag iisip at nakatingin sa malawak na kadilimang iyon sa labas ng bus, patuloy na bumibilis ang takbo ng bus…….pabilis ng pabilis………….Sir! Sir! Sir! Gising na ho kayo…Surigao na ho tayo, garahe na po kami agad kong iginala ang aking paningin sa loob ng bus, wala ng mga pasahero, ako na lamang ang naiiwan, nakatulog nga pala ako kanina sa sobrang pagod…Bumaba ako ng bus habang dahan dahan akong lumalayo sa nakaparadang bus na iyon….muli kong naramdaman ang malamig na bumabalot sa aking katawan, agad kong nilingon ang Bus, sarado na ang pinto nito, patay na rin ang mga ilaw sa loob…..  Napakrus ako at nagpasalamat…..hindi ko namalayan na me pumatak pa lang luha sa aking mga mata agad ko itong pinahid ng aking kamay sabay napatingin ako sa aking relo 9:30 na pala ng gabi dito sa Surigao City.

4 comments:

  1. we never know when He'll gonna take back our lives so spend it with the people you love so dearly, enjoy your life every second of it no matter what cause you can never take it back when lost it. having a second life was a huge gift from Him and in that way you are blessed for that opportunity or maybe a privilege. keep it up mark! muah! :D

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Magandang umaga po. Kayo po ba ang may ari ng litrato ng aksidente ng bus? Kung hindi po kayo, alam po ba ninyo kung sino ang may ari ng litrato? Pwede niyo bang ibigay sa akin ang pangalan at email address ng may-ari?.
    - Alex.

    ReplyDelete